Biyernes, Setyembre 26, 2014

Pangalawang ina sa pangalawang tahanan

   
Sila ang ating pangalawang ina sa ating pangalawang tahanan na king tawagin ay guro.Sila ang nagturo ng maraming bagay na kadalasan ay binabalewala natin ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana,sadyang may mga gurong magpapabago ng ating buhay.
       Simula ng tumungtong si Matteo Do sa ating planeta marami na ang nangarap na siya’y maging guro sino nga bang ayaw diba kung ang magiging guro mo ay matangkad,may matangos na ilong,at mapupulang labi pero kahit ganon hinding hindi ko ipagpapalit ang gurong hindi lamang kami tinuring na mga mag-aaral niya kundi isang tunay na anak,madaming guro ang tinuring ako o kami na tunay na anak ngunit sadyang malakas yatang mangayuma ang gurong ito.Hindi siya ksaing perpekto no Matteo Do pero kasing ganda siya ni steffi cheon walang iba kundi si Ginang Margaret Velasco gurong tinuruan kami ng maraming bagay na dadalhin namnin panghabang buhay

       “Ang pagtuturo po ay hindi magiging matagumpay kung hindi mag kakaroon ng pagtutulungan” linya mula sa aklat ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at tila ang linyang yan ay aking napatunayan dahil sa mahigit na isang taon na aming pagsasama nagging matagumpay ito,naging matagumpay dahil ang bawat isa sa amin ay may natutunang aral at mga alaala na hanggang ngayon ay nag bibigay ngiti pa rin sa bawat isa sa amin .Maligayang araw ng mga guro Ginang Velasco.

Linggo, Setyembre 14, 2014

Pabula

   Sa isang kwento kadalasang makisig at gawapo ang tauhan yung mala Matteo Do samantalang mala steffi cheon naman ang sa babae pero paano kung si Matteo Do ay maging isang pagong at kuneho naman si steffi cheon babasahin mo pa kaya ang kwentong ito at anong uri ng kwento ang kakahantungan nito. Pabula, pabula ang tawag sa uri ng kwento kung saan hayop ang umaarteng tao nakapagsasalita at kumikilos na mala tao.Mahalaga na ito’y maunawaan at pahalagahan dahil ito’y nagbibigay aral sa bawat isa mapa bata  matanda man ang  bumasa.

ponemang suprasegmental

     Bago bas a iyong pandinig ang salitang PONEMANG SUPRASEGMENTAL, madami bang bagay ang naglalaro sa iyong isipan kung ano ang kahulugan nito ngayon pa lang sinasabi ko na ito’y hindi bagong kwento sa wattpad.Ang ponemang suprasegmentalay ang pinaka maliit nay unit ng tunog na makabuluhan kung saan ang diin o stress,tono/intonasyon o pitch at antala/hinto o juncture ay nakapaloob.Ang diin o stress ay ang lakas o pagtaas ng tinig sa pagbigkas samantala ang tono/intonasyon o pitch ay tumutukoy sa taas ng tinig hindi rin papahuli ang antala/hinto o juncture na nangangahulugang pagkaputol sa mga salita upang ang isang pangungusap ay magkaroon ng iba’t-ibang kahulugan.Ang ponemang suprasegmental ay malaking tulong sa mahusay na pagbigkas ng tula.

Tanka at Haiku


Tanka at Haiku mga tulang nagmula sa bansang Hapon bagama’t ang parehong tula ay nagmula sa parehong bansa ang Tanka at Haiku ay may pagkakaiba pa rin.Ang Tanka isang tula na maaring awitin ito’y may kabuuang tatlumput isang pantig na may limang taludtod.Ang pagkakahati ng pantig sa mga taludtod ng tulang tanka ay 7,7,7,5,5 o maaring 5,7,7,7,5 ito’y maaring magkapalit samantala ang Haiku naman ay higit na maikli binunuo ito ng tatlong talugtod na may bilang ng pantig na 5,7,5ito’y maaring magkapalit palit .Makabisado man natin ang pantig at taludtod ng tanka at haiku ito;y hindi natin lubos na mauunawaan kung kultura at maniniwala ng bansa Hapon ay hindi natin alam,

pangkatan

 Sa isang klase hindi mawawala ang pangkatang Gawain kung saan hinuhubog nito ang pagkakaisa,pagtanggap ng opinion ng ibang kasapi,pagiging responsible sa gawaing inaatas at iba pang bagay na tumutulong upang ang isang klase ay maging aktibo.Sa klase naming asignaturang Filipino iba’t-ibang bagay na ang aming nasubukan nariyan ang magulat,sumagot ng mga tanong ukol sa isang paksa,sumayaw,kumanta,tumula at umarte sa harap ng klase upang pagtitiwala sa aming sarili ay mahubog.Alam kong madami pa kaming pangkatang pagsasamahan at sa bawat pangkatan na iyon ay sana ito’y magbigay aral.