Sabado, Disyembre 27, 2014

December 21-26 (christmas vacation)

       Sa linggong ito wala ng klase.Ito na ang simula ng mahaba habang bakasyon para sa iba siguro dahil sa aming 9-antimony hindi pa!.May mga proyekto,pangkatan at takdang aralin ang dapat pa naming tapusin..Maraming nanyari sa linggong ito nariyan ang paguwi ng ilan sa aming mga kamag-aanak mula sa Bulacan upang aming makasama sa pagsalubong sa pasko.Nagsimbang gabi rin ako kahit tatlong araw!.Sa siyam na araw naka tatlo ako kahit papaano meron diba?.Pasok,sa pagsalubong namin sa pasko,sa bawat pagkain na aming kinakain kalakip nito ang pasasalamat sa Diyos sa isang masaganang pasko.
        Maligayang araw ng pasko sa inyo! :)


Sabado, Disyembre 20, 2014

December 15-19

       Sa linggong ito ang huling linggo ng aming klase bago ang pagpapalit ng kalendaryo naganap ang aming christmas party kaya naman tatlong awar lang ang aming naging araw para sa aming talakayan sa klase.Sa aming christmas party hindi ko masasabing sobrang naging saya nito pero kahit paano ay naging maayos ang aming pagdidiriwang dahil kasama namin ang bawat isa.
       Sa magdiwang ang lahat ng kanilang pasko ng maligaya at matiwasay.

Sabado, Disyembre 13, 2014

Repleksyon

Sa linggong ito,masasabi kong masaya at hindi masaya dahil sa linggong ito,tatlong araw lamang ang aming klase dahil sa bagyong ruby. Si bagyong ruby ay naminsala ng marami pang bansa. Dalawang araw din na hindi dumalo ni Gng. Mixto sa aming klase dahil sa pagiging abala sa dyaryo ng aming paaralan. Ilang katanungan ang ipinasulat sa amin kaugnay sa aming mga nakalipas na talakayan tulad ng elehiyapara kay kuya. Ang mga Dalit ni Maria ay aming tinalakay rin. Biyernes ng dumating si Gng.Mixto at ang araw na iyon ay naging masaya. Tatlong bagay ang aming natutunan sa araw na iyon ang elehiya,dalit at oda. Ang elehiya na liham sa mga namatayna mahal sa buhay. Ang oda na isang tulang katutubo at ang dalit isang akda na nagpaparangal sa kakaibang ginawa ng tao.
Sa susunod na linggo sa tinggin ko mas madaming pagsasanay ang aming gagawin para mahasa ang aming galing.

Sabado, Disyembre 6, 2014

Mga katanungan(elehiya para kay kuya)


             1. Ano ang gagawin mo upang mapadama ang pagmamahal   mo sa iyong mga mahal sa buhay?
Sagot:Pagmamahal? Paano nga ba maipapadama ang pagmamahal.Para sa akin ang pinaka magandang paraan upang ang pagmamahal ay maipakita ay ang sulitin ang bawat oras na magkasama kayo ng taong mga mahal mo.

           2. Base sa tula alamin ang bisa sa kaisipan,damdamin at kaasalan?

Sagot:Base sa tula ang bisa nito sa kaisipan ay napaisip ang mga mangbabasang tulad ko na walang pang namamatay na mahal sa buhay na kung sa kaling sila ay mamatayan ano rin kaya ang magiging reaksyon at damdamin nila.Pag dating sa damdamin ito ay nagbigay ng malungkot na kaisipan dahil sa mga alaala na ibinaik niya noong magkasama pa sila ng kanyang kapatid at para sa kaasalan nag bigay bisa ito na isipin natin mas mahalaga ang mga mahal natin sa buhay kaysa sa pagsayang sa ating oras sa mga makamundong bagay.

Unang linggo ng Disyembre

                         Disyembre na!.Ilang lingo bago an gaming sembreak tinalakay naming ang talinghanga ng banga kung saan isang napaka gandang aral ang meron ito.Sa linggong ito natapos naming ang aralin dalawa na patungkol sa parabula,bilang pagtatapos nagkaroon kami ng pangkatang Gawain kung saan inihambing naming ang parabola sa iba pang panitikan.Habang kami ay nasa linggong ito aming tinungo ang aralin tatlo.Sa aming pagsisimula sa aming aralin isang tinig mula sa isang lalaki ang aming pinakinggan,ito’y ukol sa isang lalaki kung saan ibinahagi niya an mabubuting dulot ng kanyang magulang at ang mga masasamang bagay na kanyang nagawa sa kanila.Ito ay halimbawa ng isang elehiya.Ang elehiya ay isang sulat para sa mg mahal sa buhay.Ang elehiya para sa aking kuya ni Naljorpa ng Bhutan na isinalin ni Jose B. Balisano ay ang akdang aming sinuri upang elehiya ay aming lubos na maunawaan.Aming ito’y binasa at kinuha ang mag salita na sa tingin aming ay mahirap na maunawaan.

              Sa mga susunod na linggong aking inaasahan na patuloy an gaming talakayan ukol sa elehiya.