Sabado, Disyembre 27, 2014
December 21-26 (christmas vacation)
Sa linggong ito wala ng klase.Ito na ang simula ng mahaba habang bakasyon para sa iba siguro dahil sa aming 9-antimony hindi pa!.May mga proyekto,pangkatan at takdang aralin ang dapat pa naming tapusin..Maraming nanyari sa linggong ito nariyan ang paguwi ng ilan sa aming mga kamag-aanak mula sa Bulacan upang aming makasama sa pagsalubong sa pasko.Nagsimbang gabi rin ako kahit tatlong araw!.Sa siyam na araw naka tatlo ako kahit papaano meron diba?.Pasok,sa pagsalubong namin sa pasko,sa bawat pagkain na aming kinakain kalakip nito ang pasasalamat sa Diyos sa isang masaganang pasko.
Sabado, Disyembre 20, 2014
December 15-19
Sa linggong ito ang huling linggo ng aming klase bago ang pagpapalit ng kalendaryo naganap ang aming christmas party kaya naman tatlong awar lang ang aming naging araw para sa aming talakayan sa klase.Sa aming christmas party hindi ko masasabing sobrang naging saya nito pero kahit paano ay naging maayos ang aming pagdidiriwang dahil kasama namin ang bawat isa.
Sa magdiwang ang lahat ng kanilang pasko ng maligaya at matiwasay.
Sabado, Disyembre 13, 2014
Repleksyon
Sa linggong ito,masasabi kong masaya at hindi masaya dahil sa linggong ito,tatlong araw lamang ang aming klase dahil sa bagyong ruby. Si bagyong ruby ay naminsala ng marami pang bansa. Dalawang araw din na hindi dumalo ni Gng. Mixto sa aming klase dahil sa pagiging abala sa dyaryo ng aming paaralan. Ilang katanungan ang ipinasulat sa amin kaugnay sa aming mga nakalipas na talakayan tulad ng elehiyapara kay kuya. Ang mga Dalit ni Maria ay aming tinalakay rin. Biyernes ng dumating si Gng.Mixto at ang araw na iyon ay naging masaya. Tatlong bagay ang aming natutunan sa araw na iyon ang elehiya,dalit at oda. Ang elehiya na liham sa mga namatayna mahal sa buhay. Ang oda na isang tulang katutubo at ang dalit isang akda na nagpaparangal sa kakaibang ginawa ng tao.
Sa susunod na linggo sa tinggin ko mas madaming pagsasanay ang aming gagawin para mahasa ang aming galing.
Sa susunod na linggo sa tinggin ko mas madaming pagsasanay ang aming gagawin para mahasa ang aming galing.
Sabado, Disyembre 6, 2014
Mga katanungan(elehiya para kay kuya)
1. Ano ang gagawin mo upang mapadama ang pagmamahal mo sa iyong mga mahal sa buhay?
Sagot:Pagmamahal? Paano nga ba
maipapadama ang pagmamahal.Para sa akin ang pinaka magandang paraan upang ang
pagmamahal ay maipakita ay ang sulitin ang bawat oras na magkasama kayo ng
taong mga mahal mo.
2. Base sa tula alamin ang bisa sa kaisipan,damdamin at kaasalan?
Sagot:Base
sa tula ang bisa nito sa kaisipan ay napaisip ang mga mangbabasang tulad ko na
walang pang namamatay na mahal sa buhay na kung sa kaling sila ay mamatayan ano
rin kaya ang magiging reaksyon at damdamin nila.Pag dating sa damdamin ito ay
nagbigay ng malungkot na kaisipan dahil sa mga alaala na ibinaik niya noong
magkasama pa sila ng kanyang kapatid at para sa kaasalan nag bigay bisa ito na
isipin natin mas mahalaga ang mga mahal natin sa buhay kaysa sa pagsayang sa
ating oras sa mga makamundong bagay.
Unang linggo ng Disyembre
Disyembre na!.Ilang lingo
bago an gaming sembreak tinalakay naming ang talinghanga ng banga kung saan
isang napaka gandang aral ang meron ito.Sa linggong ito natapos naming ang
aralin dalawa na patungkol sa parabula,bilang pagtatapos nagkaroon kami ng
pangkatang Gawain kung saan inihambing naming ang parabola sa iba pang
panitikan.Habang kami ay nasa linggong ito aming tinungo ang aralin tatlo.Sa
aming pagsisimula sa aming aralin isang tinig mula sa isang lalaki ang aming pinakinggan,ito’y
ukol sa isang lalaki kung saan ibinahagi niya an mabubuting dulot ng kanyang
magulang at ang mga masasamang bagay na kanyang nagawa sa kanila.Ito ay
halimbawa ng isang elehiya.Ang elehiya ay isang sulat para sa mg mahal sa
buhay.Ang elehiya para sa aking kuya ni Naljorpa ng Bhutan na isinalin ni Jose
B. Balisano ay ang akdang aming sinuri upang elehiya ay aming lubos na
maunawaan.Aming ito’y binasa at kinuha ang mag salita na sa tingin aming ay
mahirap na maunawaan.
Sa mga susunod na linggong aking
inaasahan na patuloy an gaming talakayan ukol sa elehiya.
Linggo, Nobyembre 30, 2014
parabula
Ngayong lingo,isang
lingo bago ang buwan ng Disyembre isang bagong aralin na naman an gaming inalam
at ito ay ang parabola.Ang parabola ay isang kwento na kadalasan sa bibliya
mababasa itoy may malalim na kahulugan na nagbibigay aral.Mateo 20;1-16 ang isa
sa aralin na aming tinalakay sa linggong ito ito ay nagbigay aralan na ang
marunong makuntento sa kung ano ang meron ka ang siyang nauuna.sa pamamagitan an
gaming pangkatan namning mas inalam ang kahulugan nito.
Binasa rin naming
ang talinghaga ng banga .Sa susunod na mga linggong inaasahan ang mas maraming
pagsasanay uykol sa parabola.
Biyernes, Nobyembre 21, 2014
Ang pagtatapos ng unang aralin :)
Sa linggong ito masasabi kong naging
masaya ang aming talakayan sa kadahilanang nasama ang ukol sa pag-ibig sa aming
talakayan at ano pa nga ba ang resulta nito kundi ang dugo ng bawat isa ay
buhay na buhay.Imformance isa sa aming produkto sa markahang ito kung saan ang
bawat pangkat ay pipili ng isang epiko mula sa isang bansa at aming gagayahin ang ilan sa mga
tauhan sa napiling epiko,sa linggong ito rin maraming pagsasanay an gaming isinagawa
ukol sa paghahambing isa ditto ang paggamit ng lalo,kasing,di-gasaino,di-hamak
at sing kung saan naghambing kami ng mga tao sa aming silid-aralan.Ang epikong
Rama at Sita ay nilinaw na sa amin ni Ginang Mixto ang totoong mensahe
nito,nagbigay siya ng ilang katanungan.Sa kabuuhan isang bagay ang natutunan ko
mula sa epikong Rama at Sita ito ay ang tunay na pag-ibig ay hindi hinihingi
kusa ito ibinibigay at ipinadadama,ang tunay na pag-ibig ay di nakikita ang
kagandang anyo lamang at ang tunay na pag-ibig ay ipinapaglaban kahit me and
you against the world pa ang maging kwento ninyo.
Isang kasunduan ang iniiwan ni Gng.Mixto
ito ay ang Mateo 20:1-16 na sa aking palagay ay ang pagsisimulan n gaming bagong
aralin. J
Biyernes, Nobyembre 14, 2014
Pag hahambing
Para sa linggong
ito, Nobyembre 11-12 (dalawang araw lamang dahil sa naganap na NCAE) tinalakay naming
ang pag hahambing sa linggong ito si Bb.Basbas an gaming nakasama sa
kadahilanan na si Gng.Mixto ay dumalo sa isang seminar ngunit ang tinig ni Bb.Basbas
ay hindi maayos si Bb.usa ang humalili sa kanyang pagtuturo.Ang talakayan naming
ukol sa pag hahambing ay naging madali sa amin marahil dahil ito ay ginagamit
na naming sa aming araw-araw na pakiki pagusap nakatulong din ang pangkatan at
mga pagsasanay na aming isinagawa.Sa susunod na linggong inaasahan aming lahat
ang pagbabalik ni Gng.Mixto kasama ang mga bagong aralin.
Huwebes, Nobyembre 6, 2014
Unang aralin sa ikatatlong markahan
Ramayana at Mahabarata isang epiko
na sobrang haba, ang kabanata nito ay umaabot sa libo-libo subalit sa likod ng
haba ng kwentong ito, ito ay may nakakapanabik na kwento.
Si Rama at Sita, ang magasawang
bida sa aming unang aralin komplikado man noong una ito ay unti-unting nagging malinaw
n gaming subukang sagutin ang mga inihandang katanugan ni Ginang Mixto ito ay
nakatulong upang aming lubos na maunawaan ang kabanatang aming binasa.Katotohan
ang nagwawagi isa sa mga pinaniniwalan ng mga taga India na siyang ginamit ni
Rama uoang magwagi laban sa kanyang katunggali na si Ravana na
mapanlinlang.Nagkaroon din kami ng kasunduan ukol sa nasaing akda kung saan
iisa isahin naming ang mag katangian ng mag tauhan sa akda ganun din ang mga
kababalaghan at kabayanihan na na ganap sa akda.
Sa linggo ito unti-unti na naming
binibisita ang mga bansa sa Timog Kanlurang Asya.Ano pa kaya ang mga
kahangahangang bagay na meron pa sa mga bansang Timog Kanlurang Asya. J
Paggawa Movie trailer
Ngayong linggo,unang linggo ng aming pasukan mula sa isang mahabang bakasyon
agad ng ibinigay ni Ginang Mixto ang aming proyekto sa markahang ito upang ito
ay aming lubos na mapaghandaan.
Movie trailer ito’y maikling patikim
sa mg manunuod sa kabuuan ng pelikulang kanilang mapapanood.Sa aming talakayan
nailahad ang mga element ng pag gawa ng tv\movie trailer una ditto ang istorya
kung saan ditto inalalahad ang konsepto,story board iginuguhit ditto kung ano
ang mag detalyeng nais mong ipakita maihahalintulad ito sa isang komiks.Ang director
ang siyang pinaka makapangyarian sa lahat dahil ang lahat ng dapat manyari ay
nakasalalay sa kanya,sinemotograpiya ito ang mas nagbibigay buhay sa lahat
dahil nararapat na nilalarawan ditto ang kultura at tradisyon ng kwentong
binigay,disenyong set ang tagpuan,bias ng tunog ang siya mas nagbibigay emosyon
sa isang pelikula,camera operator taga kuha ng aktuwal na shooting at ang sound
menang taga record ng diyalogo kung sakali ang tinig ng mga actor ay hindi
klaro.Ibinigay din ni Ginang MIxto ang mga hakbang sa paggawa ng tv\movie
trailer ilan ditto ang pagpili sa mabidang mga artista na magbibigay buhay sa
istorya at tamang anggulo ng pagkuha ilan ditto ang medium shoot,close up at
extreme close up.
Nawa ang mga gabay na ito ni Ginang
Mixto ay makatulong sa aming gagawing proyekto upang ang gawaing iniatas sa
amin ay maging matagumpay
Linggo, Oktubre 26, 2014
Para Sa aking Katabi sa Silid Aralan
Ikaw Nga J
Kadalasan ang babae at lalaki ay tinuturing na aso’t pusa
SILANG dalawa na parehong may magkaibang paguugali ay unti unti rin palang
matututong maging magkaibigan.
Si John Mark Balingit Atendido SIYA na may
natatanging kulay kayumanggi. Maganda NIYANG balat,maamo NIYANG mukha ay may
tinatago rin palang kapilyuhan SILA ng mga kaibigan NIYA na noon ay tinuturing
NAMING mga kaaway ng mga kaibigan ko ay unti unting nanging maayos . Hindi man
mawawala ng pagtatalo, pagsasama ay naging maayos lalo na kung tulong ng isa
ang kailangan.
Para sa akin , ITO ang tunay na kahulugan
ng pagkakaibigan. Pagtutulungan sa kabila ng kaanyuan. Hindi man maiwasan ang
panglalait mula sa KANILA, ang mga ito ay unti unti na naming nakasanayan at
ginagawa na lamang biro.
Sabado, Oktubre 18, 2014
editoryal
Ang bawat isa ay may
sari sariling kuro kuro o opinion sa mga pangyayari sa ating kapaligiran bagay na
tungkulin nang pagsulat ng editorial. Sa pagsulay ng editorial maaari na nating
mailabas ang ating mga saloobin na maaring makapagpabago sa isang panget na bagay
o pamamahala sa ating bansa.
katutubong kulay
Sa isang akda paano nga ba gaganda ang isang
kwento?.Madaming paraan kung paano mapapaganda ang isang akda isana ditto ang katutubong
kulay kung saan ang pangyayari sa isang sinaryo ang mas pinahahalagahan na nagiging
dahilan upang ang isang akda ay maging kaakit akit sa mga mangbabasa.Ang katutubong
kulay ang nagiging dahilan para ang isang mangbabasa ay makapunta sa lugar na nilalahad
sa kwento.
Niyebeng Itim
Pagkatapos kong mabasa ang Niyebeng
Itim
may mga bagay akong nalaman ilan dito ang kultura ng mga Tsino kung
saan ang kanilang pagdiriwang ng bagong taon ay simple lamang sapat na sa kanila na mag
kakasama ang bawat pangkat ng pamilya.Pagdating sa negosyo higit na sila ay mas masikap sa atin kaysa sa atin mga pinoy bagay na kinahangan kosa mgaTsinon gunit may
isang bagay na mas kinahangaan kosa mgaTsino kung babasahin ang nasabing akda ito ay
kwento ng isang binata na bumangon mula sa kanyang panget na nakaraan bumangon at
binago ang mga pagkakamali sa buhay at patuloy nanangarap.
Biyernes, Setyembre 26, 2014
Pangalawang ina sa pangalawang tahanan
Sila ang ating pangalawang ina sa ating pangalawang tahanan na king
tawagin ay guro.Sila ang nagturo ng maraming bagay na kadalasan ay binabalewala
natin ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana,sadyang may mga gurong magpapabago ng
ating buhay.
Simula ng tumungtong si Matteo Do sa
ating planeta marami na ang nangarap na siya’y maging guro sino nga bang ayaw
diba kung ang magiging guro mo ay matangkad,may matangos na ilong,at mapupulang
labi pero kahit ganon hinding hindi ko ipagpapalit ang gurong hindi lamang kami
tinuring na mga mag-aaral niya kundi isang tunay na anak,madaming guro ang
tinuring ako o kami na tunay na anak ngunit sadyang malakas yatang mangayuma
ang gurong ito.Hindi siya ksaing perpekto no Matteo Do pero kasing ganda siya
ni steffi cheon walang iba kundi si Ginang Margaret Velasco gurong tinuruan
kami ng maraming bagay na dadalhin namnin panghabang buhay
“Ang pagtuturo po ay hindi
magiging matagumpay kung hindi mag kakaroon ng pagtutulungan” linya mula sa
aklat ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at tila ang linyang yan ay aking
napatunayan dahil sa mahigit na isang taon na aming pagsasama nagging matagumpay
ito,naging matagumpay dahil ang bawat isa sa amin ay may natutunang aral at mga
alaala na hanggang ngayon ay nag bibigay ngiti pa rin sa bawat isa sa amin
.Maligayang araw ng mga guro Ginang Velasco.
Linggo, Setyembre 14, 2014
Pabula

ponemang suprasegmental
Bago bas a iyong pandinig ang salitang
PONEMANG SUPRASEGMENTAL, madami bang bagay ang naglalaro sa iyong isipan kung
ano ang kahulugan nito ngayon pa lang sinasabi ko na ito’y hindi bagong kwento
sa wattpad.Ang ponemang suprasegmentalay ang pinaka maliit nay unit ng tunog na
makabuluhan kung saan ang diin o stress,tono/intonasyon o pitch at antala/hinto
o juncture ay nakapaloob.Ang diin o stress ay ang lakas o pagtaas ng tinig sa
pagbigkas samantala ang tono/intonasyon o pitch ay tumutukoy sa taas ng tinig
hindi rin papahuli ang antala/hinto o juncture na nangangahulugang pagkaputol
sa mga salita upang ang isang pangungusap ay magkaroon ng iba’t-ibang
kahulugan.Ang ponemang suprasegmental ay malaking tulong sa mahusay na
pagbigkas ng tula.
Tanka at Haiku
Tanka at Haiku mga
tulang nagmula sa bansang Hapon bagama’t ang parehong tula ay nagmula sa
parehong bansa ang Tanka at Haiku ay may pagkakaiba pa rin.Ang Tanka isang tula
na maaring awitin ito’y may kabuuang tatlumput isang pantig na may limang taludtod.Ang
pagkakahati ng pantig sa mga taludtod ng tulang tanka ay 7,7,7,5,5 o maaring
5,7,7,7,5 ito’y maaring magkapalit samantala ang Haiku naman ay higit na maikli
binunuo ito ng tatlong talugtod na may bilang ng pantig na 5,7,5ito’y maaring
magkapalit palit .Makabisado man natin ang pantig at taludtod ng tanka at haiku
ito;y hindi natin lubos na mauunawaan kung kultura at maniniwala ng bansa Hapon
ay hindi natin alam,
pangkatan
Biyernes, Agosto 22, 2014
Ang alamat ng Karayom
Sa isang malayong lalawigan,may isang batang kinaiinggitan nang
marami,siya si Kara.
Si Kara ay kinaiinggitan
dahil lahat nang nais niya ay agad niyang nakukuha.Isang araw habang nasa
pamilihan siya kasamaang kanyang ina nagpabili si Kara nang kung ano-anu, “ina
,gusto ko nitong manika,ina gusto ko iyong sapatos,ina gusto ko ito,ina gusto
ko niyon” ngunit nagwika ang ina “Kara,anak hindi mo naman kailangan nang mga
iyan lagi na naming sinusunod ang nais mo kaya pwede bang ngayon na tayo ay
naghihirap unahin mo muna ang lahat nang dapat unahin”.Labis na dinamdam ni
Kara ang winika nang ina.
Pag-uwi nila sa kanilang
tahanan agad siya pumunta sa kanilang likod bahay pinagsisira niya ang mga
halaman doon ngunit isang kakaibang halaman ang nasira ni Kara.Pagkasira ni
Kara sa halaman isang misteryosong batang babae ang lumabas mula sa halaman at
nag wika “bakit ka ba napoot,mga winika nang iyong ina ay totoo,tunay nga dapat
kang parusahan at turuan nang leksyon”.Pagkawika nang batang babae unti-unting
naghina si Kara.
Sa paglipas nang panahon
ito’y tinawag na karayom.Isang maliit na bagay na nagpapatunay na lahat nang
ating ginagawa ay dapat pinaghihirapan.
Biyernes, Agosto 8, 2014
Mababago pa kaya ?
Ang Elehiya para kay Ram ay sumasalamin sa mga kabataang ngayong kasalukuyang panahon mga kabataang nahaharap sa malaking responsibilidad na dapatay hindi nila dinadanas.Lapis,papel at iba pang gamit sa paaralan ang sana'y kanilang hawak ngunit ibat-ibang masasamang bagay ang hawak at nasubukan na sapaglipas nang panahon mababago pa kaya ito.
Biyernes, Hulyo 11, 2014
Saan nagsimula
Prutas,gulay at kung ano ano pa saan nga ba nagsimula.
Ang tawag sa mga kwentong pinagsimulan nang mga bagay-bagay ay tinatawag na alamat.Wala mang sapat na proweba kung saan nagsimula kung totoo man o hindi pasalamat tayo sa alamat mga simplengt bagay ay nagbibigay aral sa atin na magagamit natin sa ating araw araw na pamumuhay.
Ang tawag sa mga kwentong pinagsimulan nang mga bagay-bagay ay tinatawag na alamat.Wala mang sapat na proweba kung saan nagsimula kung totoo man o hindi pasalamat tayo sa alamat mga simplengt bagay ay nagbibigay aral sa atin na magagamit natin sa ating araw araw na pamumuhay.
Swerte ba o malas?
Swerte ba o malas na dapat ituring na mawalan nang ama?. Habang binabasa ko ang akdang ANG AMA NI MAURO R.AVENA napagtanto ko na sadyang may mga amang nakakagawa nang mali tamang pagunawa lamang ang kailangan dahil pagbalik-baliktarin man natin ang mundo sila pa rin ang nagbigay nang buhay upang mundong kay ganda ay ating masilayan.Iniwan,binugbog o ano pa mang dahilan sila'y dapat pasalamatan kaya naman tatay,ama,papa,maraming salamat po.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)