Sa isang malayong lalawigan,may isang batang kinaiinggitan nang
marami,siya si Kara.
Si Kara ay kinaiinggitan
dahil lahat nang nais niya ay agad niyang nakukuha.Isang araw habang nasa
pamilihan siya kasamaang kanyang ina nagpabili si Kara nang kung ano-anu, “ina
,gusto ko nitong manika,ina gusto ko iyong sapatos,ina gusto ko ito,ina gusto
ko niyon” ngunit nagwika ang ina “Kara,anak hindi mo naman kailangan nang mga
iyan lagi na naming sinusunod ang nais mo kaya pwede bang ngayon na tayo ay
naghihirap unahin mo muna ang lahat nang dapat unahin”.Labis na dinamdam ni
Kara ang winika nang ina.
Pag-uwi nila sa kanilang
tahanan agad siya pumunta sa kanilang likod bahay pinagsisira niya ang mga
halaman doon ngunit isang kakaibang halaman ang nasira ni Kara.Pagkasira ni
Kara sa halaman isang misteryosong batang babae ang lumabas mula sa halaman at
nag wika “bakit ka ba napoot,mga winika nang iyong ina ay totoo,tunay nga dapat
kang parusahan at turuan nang leksyon”.Pagkawika nang batang babae unti-unting
naghina si Kara.
Sa paglipas nang panahon
ito’y tinawag na karayom.Isang maliit na bagay na nagpapatunay na lahat nang
ating ginagawa ay dapat pinaghihirapan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento