Biyernes, Pebrero 27, 2015

Huling linggo ng Pebrero

                          Isang napakahabang lingo para sa akin.Sa linggong ito dalawang araw akong wala dahil sa kampanya para sa mga susunod na pinuno ng paaralan pero batay sa aking mga kamag aral, ipinagpatuloy nila ang katanungan noong huling lingo kung si Crisostomo Ibarra nga ba ay isang mangingibig o biktima lamang ng pagkakataon king ako ang tatanungin oo si Ibarra ay isang biktima ng pagkakataon.Alam nating lahat na si Ibarra ay isang simple at mapagmahal na anak at anak ng bayan ngunit dahil sa inggit ng marami sa kanya ang kanyang hangarin na maituloy ang nais ng kanyang ama ay tila nagging isang pagpasok ng sinulid sa karayom sa sobrang hirap.Sa mga lumipas na araw isang mock trial ang isinagawa upang ang mga bintang kay Ibarra ay mapatunay o hindi man isang pagsusulit din ang ibinigay n gaming guro sa aming sa huling araw ng lingo.Bilang takdang aralin dapat naming ibuod ang mga kabanatang ukol kay Elias.

                       Unti-unti ng lumalapit ang araw ng pagsusulit kaya naman an gaming talakayan ay bumibilis na rin.Isang buwan na lamang at sana sa loob ng buwan na ito maging makabuluhan ang aming mga bagay na gagawin.

Biyernes, Pebrero 20, 2015

ika-tatlong linggo sa Buwan ng Pebrero

               Kung Hei Fat Choi!. Linggo ng Chinese New Year kaya naman noong miyerkoles wala kaming pasok bilang pakikiselebrasyon sa ating mga kaibigang Chinese samantala sa loob naman n gaming silid aralan ipinagpatuloy naming ang naiwang Gawain sa amin.Bawat pangkat ay nagulat ng matiwasay.Sa huling araw ng lingo an gaming guro na ang naglinaw ng mga bagay tungkol sa mahahalagang panyayari sa buhay ni Crisostomo Ibarra nag iwan din ng katanungan ang aming guro “mangingibig o biktima ng pagkakataon si Ibarra?”
                         Bilang takdang aralin kailangan naming magguhit ng simbolo sa mga tauhan ng may kaugnay sa buhay ni Ibarra. J

Sabado, Pebrero 14, 2015

Linggo ng paguulat

                      Magandang araw!para sa isang magandang kwento na dapat ibahagi sa lahat J.Ang bawat pangkat ay natapos ng mag ulat ng mga kabanatang ibinigay sa kanila at ang bawat isa ay nagawa iyon ng maganda ula una hanggang ika-apat na pankat kaugnay ng pag uulat ang takdang aralin na ibinigay ng aming guro kung saan itatala naming ang mahahalagang panyayari kada kabanata.Sa nalalapit na araw ng mga puso isang Gawain ang ibinigay ng aming guro ito ang paggawa ng tula para sa aming mga mahal sa buhay.Sa susunod na lingo wala pa akong ideya kung ano ang aming magiging talakayan pero paniguradong magiging masaya ito! J

                 Maligayang araw ng mga puso<3

Sabado, Pebrero 7, 2015

Unang linggo ng Pebrero

                    Maligayang buwan ng mga puso! J .Character’s parade? Tapos na naming at lahat ng pagod nain ay napawi nang malaman naming na nagging masaya an gaming guro sa aming ginawa.Bawat pangkat talaga ay naghanda mula kasuotan hanggang sa mga linyang bibitawan, ay unting mali nga lang pero sa awa ngh Diyos tapos na!.Ang bawat pangkat din ay binigyan n gaming guro ng mga kabanatang iuulat.Unang pangkat pa lamang ang nakakapagilat dahil sa kakulangan ng oras.

          Madaming ginagawa ang lahat ngayon dahil sa aming proyekto na movie trailer kaya naman lahat ay abala!. Sna magawa naming ito ng maayos at maganda.