Biyernes, Pebrero 27, 2015

Huling linggo ng Pebrero

                          Isang napakahabang lingo para sa akin.Sa linggong ito dalawang araw akong wala dahil sa kampanya para sa mga susunod na pinuno ng paaralan pero batay sa aking mga kamag aral, ipinagpatuloy nila ang katanungan noong huling lingo kung si Crisostomo Ibarra nga ba ay isang mangingibig o biktima lamang ng pagkakataon king ako ang tatanungin oo si Ibarra ay isang biktima ng pagkakataon.Alam nating lahat na si Ibarra ay isang simple at mapagmahal na anak at anak ng bayan ngunit dahil sa inggit ng marami sa kanya ang kanyang hangarin na maituloy ang nais ng kanyang ama ay tila nagging isang pagpasok ng sinulid sa karayom sa sobrang hirap.Sa mga lumipas na araw isang mock trial ang isinagawa upang ang mga bintang kay Ibarra ay mapatunay o hindi man isang pagsusulit din ang ibinigay n gaming guro sa aming sa huling araw ng lingo.Bilang takdang aralin dapat naming ibuod ang mga kabanatang ukol kay Elias.

                       Unti-unti ng lumalapit ang araw ng pagsusulit kaya naman an gaming talakayan ay bumibilis na rin.Isang buwan na lamang at sana sa loob ng buwan na ito maging makabuluhan ang aming mga bagay na gagawin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento