Hindi
masama ang pagbabago lalo na kung ang pagbabagong ito ay matagal ng hangad ng
marami.Ito ang pagbabagong nais gampanan ng k-12 curriculum
Isa ang bansang
Pilipinas sa mga bansa na nahuhuli tungkol sa kalidad ng edukasyon kaya naman
isinabatas ng adminastrasyon ngayon ang k-12.Isang batas na makakatulong sa mga
kabanatan na gusto ng maayos na buhay.
Bilang isang
mag-aaral na unang naka subok ng k-12 masasabi kong maganda ito dahil sa mga Gawain
at produkto na isinasagawa namin mapa simple man o mahirap tunay na may
matututunan ka pati ang talentong hindi mo inaakala na meron ka ay
lalabas.Hindi rin problema ang mahabang panahaon na pag aaral sa sekondarya
dahil kung nais mong pumasok ng kolehiyo,sa sekontarya mapagiisipan mo na agad
kaysa magpalipat lipat ka ng kurso sayang pera at oras diba?Sa tulong din ng
K-12 maaga kang makakapagtrabaho,trabaho na maayos at hindi kung ano-ano.
Madami mang umaayaw
bakit hindi muna natin tignan ang resulta isa pa tandaan ng mga nais talagang
makapagtapos kung gusto may paraan kung ayaw may dahilan kaya kahit anong
curriculum pa yan sipag ang sagot diyan.