Kaliwa’t kanan
na sagot sa tanong na mabait ba yung department chairman ng Filipino,yung guro sa Filipino ng baitang siyam?Isang
sagot ang nangibabaw sa kanila T-E-R-O-R
TEROR.
Nasa baitang walo pa lang
ako nagtatanong na ako ng mga gurong makakasalamuha ko sa pagtungtong ko sa baiting
siyam pero isa siya sa pinakakinatakutan ko kaya naman simula pa lang ng klase naging
takot na ako sa kanya pero sa paglipas ng oras,araw at buwan napatunayan ko na
totoong terror siya.
T-talentadong
guro
E-example sa
amin
R-regalo ng Diyos
O-oh!
R-regalo ng
Diyos upang kaalaman ay ibahangi
Ang terror diba?
Sa klase namin tahimik?oo
tahimik pero hindi lagi tatawa at tatawa ka naman kasi sa mga pakulo ng mga
kamag-aral ko pati siya kahit ngiti lang ng aming guro ayos na,pawi ang
pagod.Sa paglabas niya ng silid-aralan pagbati sa kanya gamit ang wikang
tagalog ay isang nakakaaliw na Gawain.
Sa pagtuturo wala kang
masasabi dahil kahit sa mga simpleng Gawain
matututo ka na nakakaaliw pa.Wikang kinakaayawan mo gugustuhin mo panigurado.
Malapit na magwakas ang
klase pero para sa akin ang pagsasama namin ng gurong ito ay matagal pa pero
kahit ganon salamat sa lahat aming guro sana kayo ay makahikayat pa ng mas
maraming terror na guro.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento