Miyerkules, Marso 18, 2015

Buhay Estudyante

                               Pag-aaral.Minsan mahirap,madalas masaya.
                     Isang taon na naman ang lilipas,isang taon na punong puno ng mga di makakalimutang alaala.Bilang isang mag aaral ng baitang siyam pangkat antimony masasabi kong hindi naging simple ang buong taon ko.Dito ko naranasang matulog ng ilang oras lang sa magkakasunod na araw,pumasok ng umaga umuwi ng gabi pati ang pagpulot ng 25 sentabo makatipid lang sa mga kailangan ko.Nakakatawa kung iisipin pero oo lahat yan nagawa ko pero hindi ko rin maikakaila na naging masaya ako,ikaw ba naman gumawa ng short film
,trailer at kung ano-anu pa lakas makafeeling artista diba? Pero sa mga gawaing yan nahubog ang aming pagsasamahan.Hindi maiiwasan ang pagtatalo sa hindi pagkakaunawaan pero lagi pa ring may oras para sa pagaayos.Nakakatuwa ring isipin na pati yung mga hindi mo inaasahan na umarte sa harap ng lente ay aare tulad ni Bueno at nang iba na mahiyain.
                     Sa taong din itong masaya ako na nakakaalis ako ng paaralan para dalhin ang pangalan nito sa ibang paaralan.Hindi man laging panalo,panalo naman sa mga bagong kaibigan,hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon kaya sobrang saya ko kahit talo.
                     Mahirap kung mahirap pero diba kung gusto may paraan kung ayaw may dahilan.At sa sitwasyon ko gusto ko yung mga hirap na naranasan ko bayad naman sa mga hindi malilimutang alaala.

                     Ito na malapit na ang wakas ng klase kaya naman salamat sa lahat ganon din ang paghingi ko ng tawad.Basta antimony walang titibag. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento