Biyernes, Oktubre 16, 2015
Stress
Araw-araw. Oo araw-araw,araw-araw kami may ginagawa.Hindi na natapos ang ibat-ibang gawain mapabahay at paaralan minsan naisip mo na na BIGTI NA GUYZ!.Pero ano kailangan lumaban.Lumaban para sa pangarap.High school pa lang kami pero feeling collage.Nakakainis lang sana matapos na yung hirap,NAKAKASTRESS KASI.SOBRA
Miyerkules, Marso 18, 2015
K-12
Hindi
masama ang pagbabago lalo na kung ang pagbabagong ito ay matagal ng hangad ng
marami.Ito ang pagbabagong nais gampanan ng k-12 curriculum
Isa ang bansang
Pilipinas sa mga bansa na nahuhuli tungkol sa kalidad ng edukasyon kaya naman
isinabatas ng adminastrasyon ngayon ang k-12.Isang batas na makakatulong sa mga
kabanatan na gusto ng maayos na buhay.
Bilang isang
mag-aaral na unang naka subok ng k-12 masasabi kong maganda ito dahil sa mga Gawain
at produkto na isinasagawa namin mapa simple man o mahirap tunay na may
matututunan ka pati ang talentong hindi mo inaakala na meron ka ay
lalabas.Hindi rin problema ang mahabang panahaon na pag aaral sa sekondarya
dahil kung nais mong pumasok ng kolehiyo,sa sekontarya mapagiisipan mo na agad
kaysa magpalipat lipat ka ng kurso sayang pera at oras diba?Sa tulong din ng
K-12 maaga kang makakapagtrabaho,trabaho na maayos at hindi kung ano-ano.
Madami mang umaayaw
bakit hindi muna natin tignan ang resulta isa pa tandaan ng mga nais talagang
makapagtapos kung gusto may paraan kung ayaw may dahilan kaya kahit anong
curriculum pa yan sipag ang sagot diyan.
TEROR
Kaliwa’t kanan
na sagot sa tanong na mabait ba yung department chairman ng Filipino,yung guro sa Filipino ng baitang siyam?Isang
sagot ang nangibabaw sa kanila T-E-R-O-R
TEROR.
Nasa baitang walo pa lang
ako nagtatanong na ako ng mga gurong makakasalamuha ko sa pagtungtong ko sa baiting
siyam pero isa siya sa pinakakinatakutan ko kaya naman simula pa lang ng klase naging
takot na ako sa kanya pero sa paglipas ng oras,araw at buwan napatunayan ko na
totoong terror siya.
T-talentadong
guro
E-example sa
amin
R-regalo ng Diyos
O-oh!
R-regalo ng
Diyos upang kaalaman ay ibahangi
Ang terror diba?
Sa klase namin tahimik?oo
tahimik pero hindi lagi tatawa at tatawa ka naman kasi sa mga pakulo ng mga
kamag-aral ko pati siya kahit ngiti lang ng aming guro ayos na,pawi ang
pagod.Sa paglabas niya ng silid-aralan pagbati sa kanya gamit ang wikang
tagalog ay isang nakakaaliw na Gawain.
Sa pagtuturo wala kang
masasabi dahil kahit sa mga simpleng Gawain
matututo ka na nakakaaliw pa.Wikang kinakaayawan mo gugustuhin mo panigurado.
Malapit na magwakas ang
klase pero para sa akin ang pagsasama namin ng gurong ito ay matagal pa pero
kahit ganon salamat sa lahat aming guro sana kayo ay makahikayat pa ng mas
maraming terror na guro.
Buhay Estudyante
Pag-aaral.Minsan
mahirap,madalas masaya.
Isang taon na naman ang
lilipas,isang taon na punong puno ng mga di makakalimutang alaala.Bilang isang
mag aaral ng baitang siyam pangkat antimony masasabi kong hindi naging simple
ang buong taon ko.Dito ko naranasang matulog ng ilang oras lang sa magkakasunod
na araw,pumasok ng umaga umuwi ng gabi pati ang pagpulot ng 25 sentabo
makatipid lang sa mga kailangan ko.Nakakatawa kung iisipin pero oo lahat yan
nagawa ko pero hindi ko rin maikakaila na naging masaya ako,ikaw ba naman
gumawa ng short film
,trailer at kung ano-anu pa lakas makafeeling artista diba? Pero sa mga gawaing yan nahubog ang aming pagsasamahan.Hindi maiiwasan ang pagtatalo sa hindi pagkakaunawaan pero lagi pa ring may oras para sa pagaayos.Nakakatuwa ring isipin na pati yung mga hindi mo inaasahan na umarte sa harap ng lente ay aare tulad ni Bueno at nang iba na mahiyain.
,trailer at kung ano-anu pa lakas makafeeling artista diba? Pero sa mga gawaing yan nahubog ang aming pagsasamahan.Hindi maiiwasan ang pagtatalo sa hindi pagkakaunawaan pero lagi pa ring may oras para sa pagaayos.Nakakatuwa ring isipin na pati yung mga hindi mo inaasahan na umarte sa harap ng lente ay aare tulad ni Bueno at nang iba na mahiyain.
Sa taong din itong masaya
ako na nakakaalis ako ng paaralan para dalhin ang pangalan nito sa ibang
paaralan.Hindi man laging panalo,panalo naman sa mga bagong kaibigan,hindi
lahat nabibigyan ng pagkakataon kaya sobrang saya ko kahit talo.
Mahirap kung mahirap pero
diba kung gusto may paraan kung ayaw may dahilan.At sa sitwasyon ko gusto ko
yung mga hirap na naranasan ko bayad naman sa mga hindi malilimutang alaala.
Ito na malapit na ang wakas
ng klase kaya naman salamat sa lahat ganon din ang paghingi ko ng tawad.Basta antimony walang titibag.
Sabado, Marso 14, 2015
Marso (9-13)
Masaya minsan
ako, madalas ang baiting siyam pangkat antimony!^.^
Isang masayang linggo
kahit pagod ang marami sa aming pagsusulit pati ang aming mga guro para sa
aming grado.Sa araw ng lunes naming isinagawa an gaming pagsusulit ganon din
noong martes at pagdating naman ng merkyules pangkatan ang iniwan na Gawain sa
amin ng aming guro.Nalaman naming ang buhay bilang isang mag-aaral,guro at
mangingibig n gaming guro pati na rin ang kanyang edad :D.Talakayan tungkol sa
mga babae ngayon at noon din ang isa sa mga natalakay naming.Mula sa aming
pangkayan na nagawa isang takdang aralin ang iniwan n gaming guro.
Muli isang
pagsusulit na naman ang dapat paghandaan.Ilang linggo na lang rin pero sa na
ang natitirang mga araw ay maging masaya para sa bawat isa.
Biyernes, Marso 6, 2015
SI Maria Clara at Sisa
Isang lingo na naman
ang natapos,parang may isang remote control na gamit an gaming guro mapabilis
lang ang aming talakayan para sa aming darating na pag susulit.Pag katapos
maing talakayin ang buhay ni Crisostomo Ibarra at Elias sinunod na naming sila
Maria Clara at Sisa,ang mga tauhan sa nobela na nagpakita ng kakaibang
katangian bilang babae.Naging mabilis ang talakayan pero kahit ganon pa man
naunawaan naming ito.
Ang bawat isa ay
naghahanda na sa pagsususlit at sana ang lahat ay makapasa!. J
Biyernes, Pebrero 27, 2015
Huling linggo ng Pebrero
Isang napakahabang lingo
para sa akin.Sa linggong ito dalawang araw akong wala dahil sa kampanya para sa
mga susunod na pinuno ng paaralan pero batay sa aking mga kamag aral,
ipinagpatuloy nila ang katanungan noong huling lingo kung si Crisostomo Ibarra
nga ba ay isang mangingibig o biktima lamang ng pagkakataon king ako ang tatanungin
oo si Ibarra ay isang biktima ng pagkakataon.Alam nating lahat na si Ibarra ay
isang simple at mapagmahal na anak at anak ng bayan ngunit dahil sa inggit ng
marami sa kanya ang kanyang hangarin na maituloy ang nais ng kanyang ama ay
tila nagging isang pagpasok ng sinulid sa karayom sa sobrang hirap.Sa mga
lumipas na araw isang mock trial ang isinagawa upang ang mga bintang kay Ibarra
ay mapatunay o hindi man isang pagsusulit din ang ibinigay n gaming guro sa
aming sa huling araw ng lingo.Bilang takdang aralin dapat naming ibuod ang mga
kabanatang ukol kay Elias.
Unti-unti ng lumalapit
ang araw ng pagsusulit kaya naman an gaming talakayan ay bumibilis na rin.Isang
buwan na lamang at sana sa loob ng buwan na ito maging makabuluhan ang aming
mga bagay na gagawin.
Biyernes, Pebrero 20, 2015
ika-tatlong linggo sa Buwan ng Pebrero
Kung Hei Fat Choi!. Linggo ng Chinese New Year
kaya naman noong miyerkoles wala kaming pasok bilang pakikiselebrasyon sa ating
mga kaibigang Chinese samantala sa loob naman n gaming silid aralan
ipinagpatuloy naming ang naiwang Gawain sa amin.Bawat pangkat ay nagulat ng
matiwasay.Sa huling araw ng lingo an gaming guro na ang naglinaw ng mga bagay
tungkol sa mahahalagang panyayari sa buhay ni Crisostomo Ibarra nag iwan din ng
katanungan ang aming guro “mangingibig o biktima ng pagkakataon si Ibarra?”
Bilang
takdang aralin kailangan naming magguhit ng simbolo sa mga tauhan ng may
kaugnay sa buhay ni Ibarra. J
Sabado, Pebrero 14, 2015
Linggo ng paguulat
Magandang araw!para sa isang
magandang kwento na dapat ibahagi sa lahat J.Ang bawat pangkat ay natapos ng mag
ulat ng mga kabanatang ibinigay sa kanila at ang bawat isa ay nagawa iyon ng
maganda ula una hanggang ika-apat na pankat kaugnay ng pag uulat ang takdang
aralin na ibinigay ng aming guro kung saan itatala naming ang mahahalagang
panyayari kada kabanata.Sa nalalapit na araw ng mga puso isang Gawain ang
ibinigay ng aming guro ito ang paggawa ng tula para sa aming mga mahal sa
buhay.Sa susunod na lingo wala pa akong ideya kung ano ang aming magiging
talakayan pero paniguradong magiging masaya ito! J
Maligayang
araw ng mga puso<3
Sabado, Pebrero 7, 2015
Unang linggo ng Pebrero
Maligayang buwan ng mga
puso! J
.Character’s parade? Tapos na naming at lahat ng pagod nain ay napawi nang
malaman naming na nagging masaya an gaming guro sa aming ginawa.Bawat pangkat
talaga ay naghanda mula kasuotan hanggang sa mga linyang bibitawan, ay unting
mali nga lang pero sa awa ngh Diyos tapos na!.Ang bawat pangkat din ay binigyan
n gaming guro ng mga kabanatang iuulat.Unang pangkat pa lamang ang
nakakapagilat dahil sa kakulangan ng oras.
Madaming ginagawa ang lahat ngayon
dahil sa aming proyekto na movie trailer kaya naman lahat ay abala!. Sna magawa
naming ito ng maayos at maganda.
Biyernes, Enero 30, 2015
aralin 2 (ukol sa mga tauhan ng Noli Me Tangere)
Magandang buhay!.Isang lingo na naman ang muling lumipas kaya naman tayo
ay magbalik tanaw.Si ginoong Mixto ang humalili panandalian sa paglisan n
gaming guro.Sa loob ng dalawang araw na aming talakayan kasama ang kabiyak ng aming
guro,madaming bagay na an gaming natutunan tulad ng mga makahulugang linya mula
sa mga tauhan ng novela Noli Me Tanger.Mga tauhan ng novella ang pinaka paksa ng
aming talakayan tulad ng mga nagging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat.
Characters
parade,ito na gaganapin na ito sa martes! Sana magawa naming maayos at sana
makatulong sa aming ang mga natutunan naming sa mga nakalipas na aralin ukol sa
mga tauhan ng novella. J
Biyernes, Enero 23, 2015
Ikalawang Linggo ng Huling Markahan
Ito na!.Unti-unti
na naming binubuklat ang historya kung bakit na sulat ni Dr.Jose Rizal ang
novelang Noli Me Tangere.Sa linggong ito madamin g pangkatan an gaming isinagawa
kasabay ng mga pagsusulit o pagsasanay ukol sa aming matinalakay tulad ng pang
aalipin ng mga Prayle,pag bukas ng suez kanal at ang pagbagsak ng mga kastila
na hindi nalalaman ng mga Pilipino.Isang debate an gaming isinagawa.Tama ban a ginamit
ni Rizal ang kanyang husay sa pagsulat para sa kalayaan ng kanyang bayan?.Hindi
gaano nagging kaganda ang balitan ng opinion ng bawat isa marahil ay sa
kadahilan na marami sa amin ang kulang sa impormasyon ukol sa kasaysayan .
Sa mga susunod na araw si
Gng.Mixto ay panandalian na maawala kaya naman si Ginoong Mixto ang hahalili sa
kanya.Isang characters parade din an gaming isasagawa ukol kay Gng.Mixto aya naming
kailangan naming na makilala lahat ng tauhan ng novelang Noli Me Tangere.
Sabado, Enero 17, 2015
Una para sa huling markahan.
Huling markahan na! ang pinaka
hihintay kong markahan.Hindi dahil matatapos na ang ika-siyam ko na baiting kundi
dahil sa aming tatalakayin.Noli Me Tangere ni Dr.Jose Rizal an gaming tatalakayin.Wag
mo akong salingin.Bago bas a iyong pandinig?paano ang touch me not? Noli me
tangere ang kahulugan ng mga iyon at yun din ang kahulugan ng noli me
tangere.Pero kasabay ng pagkatuwa ang pagkalungkot dahil sa pagpasok ng
ika-apat na markahan ay siya ring aming paghahanda para sa aming mga produkto.Noong
ika-tatlong markahan isang movie trailer an gaming ginawa pero para sa ika-apat
na markahan ……… isang movie trailerat? Isang short film lang naman.Pero sabi
nga nila tiwala lang o kaya bahala na si Batman.Basta para sa akin isang
masayang Gawain naman an gaming pagsasamahan gawin! J
Biyernes, Enero 9, 2015
Huling linggo ng ika-tatlong markahan (enero 5-9)
Ngayong Enero lima hanggang
siyam,ang huling linggong bago ang aming pagsusulit para sa ika-tatlong
markahan marami ang aming natalakay.Ang
sanaysay kung saan nalaman naming ang pagkakaiba nito mula sa salaysay.Nagsasalaysay,impormasyon,nanghihikayat
at argumento ang apat na uri ng tekstong nag sasalaysay.Isang takdang aralin
ang pinagawa ni Gng.Mixto sa amin kaugnay ng aming talakayan ukol sa
sanaysay,ito ay ang manuod ng isang dokumentaryo.Ang napili kong dokumentaryo
ay ang dorm 12 ng I-witness ni Kara Dara.Ang dorm 12 ay ukol sa mga matatandang
bilanggo,isang dokumentaryo na lubos na nakakalungkot kung mapapanuod ng lahat
pero isang balita ang aking lubos na ikinalungkot dahil noong Miyerkoles lamang
ilang araw bago ko maoanuod ang dokumentaryo,si lola Rose isa sa mga bilanggong
matanda ay pumanaw na ng hindi pa nakakakalaya.Ang pamaksang pangungusap at
pantulong at aming ding tinalakay ganun din ang synopsis at ang pangagatwiran
ay aming pinasadaan.Sa hiling araw ng lingo,biyernes.Isang pagsusulit ang aming
isinagaw.Ang pagsusulit ay aming naging pagbabalik aral narin sa mga aralin na
amin ng natalakay.
Ang markahang ito ay patapos na pagsusulit na lang! at ang bawat is
asana ay makapasa. J
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)